Wednesday, February 23, 2011

GABAY para sa maikling reaksyong papel

Sections N (TTH 12-130PM), O (TTH 130-3PM), Q (TTH 430-6PM)

Tulad ng nabanggit sa klase, maaring maging basehan ng isang maikling reaksyong papel ang photography exhibition na "Revolution Revisited." Pagnilayan ang exhibition at sagutin ang mga sumusunod:

1) Ipaliwanag ang "rebolusyon" na tinatanghal ng photo exhibition.

2) Ano ang mga mahahalagang katanungan na maaring malikha sa inyong pagtanaw sa photo exhibition? Bilang mag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, Paano mo mabibigyang saysay o kasagutan ang mga katanungang ito?

3) Ano ang pangkalahatang mensahe na maaring makuha mula sa exhibition?


Ang OPTIONAL na maikling reaksyong papel ay binubuo ng 1,500 - 3,000 na salita, NAKASULAT SA WIKANG FILIPINO, at kinakailangang sumunod sa pamantayan ng pagsulat ng sanaysay: may pamagat, sanggunian, at sinusundan ang pinag-sang-ayunang sistema ng pagbabanggit ng pinanggalingan ng kaalaman (Parenthetical Style at Chicago Manual of Style). Huwag kakalimutang isulat ang inyong pangalan, section, at oras ng klase.

Gumamit ng letter size (8.5" X 11") na papel, Times New Roman, 12 Font Size, laktaw-laktaw (double space), 1" sukat sa lahat ng gilid (margins).

Ang petsa ng patay-guhit ay Marso 4 (Biyernes), at kailangang ipasa sa Kagawaran ng Kasaysayan, bago ang ika-5 n.h.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pelikula, tumungo dito.